Wednesday, October 16, 2013

MGA ANYONG TUBIG

KARAGATAN

Ang karagatan ay ang pangunahing bahagi ng anyong tubig, at prinsipal na bahagi ng kalawakan ng tubig o hidrospera. Tinatayang nasa 72% ng ibabaw ng Daigdig (isang lawak ng mga 361 kilometro kwadrado) ang natatakpan ng karagatan, isang patuloy na bahagi ng tubig na nakaugaliang hinahati sa ilang mga pangunahing mga karagatan at maliliit na mga dagat. Ang World Oceans Day ay ipinagdiriwang taon-taon tuwing Hunyo 8.
http://tl.wikipedia.org/wiki/Karagatan

DAGAT

Ang Dagat ay isang malaking lawas ng tubig-alat na nakadugtong sa isang karagatan, o ng isang malaking lawang-alat na walang likas na lagusan gaya ng Dagat Caspian at Dagat Patay (Dead Sea). Ang Dagat ng Galilee (Sea of Galilee) ay isang maliit na lawang-tabang na may likas na lagusan, ngunit ang katawagan ay ginamit pa rin para dito. Sa kolokyal na gamit, singkahulugan ng katawagan ang karagatan.


Ang ilog ay isang malaking likas na daanang tubig. Maaaring pinagkukunan nito ang isang lawa, isang bukal o pagtitipon ng maliit na mga batis, kilala bilang agos. Mula sa pinagkukunan, dumadaloy pababa ng isang burol ang lahat ng mga ilog, na kadalasang tumitigil sa mga karagatan. Ang mga ilog, dahil ito ay nagbibigay ng inumin sa mga tao noong prehistoriko, ay itinuturingpinagmumulan ng mga kabihasnan.







7 comments: